Biyernes, Marso 20, 2015

Bagong Edukasyon

   Nararanasan na ng mag mag-aaral sa Sekondarya ang k-12 kurikulum. Dito nadagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral sa sekondarya. Ang unang apat na taon mula grade7 hanggang grade10 ay tinatawag na Junior Highschool at ang sumunod na dalawang taon ,grade11 at grade12 ay Senior Highschool. Sinasabing ang dalawang taon na karagdagan ay preparasyon para sa kolehiyo.

  Bilang mag-aaral na nakakaranas ng bagong kurikulum na ito.Masasabi kong itoy maganda dahil mas lumalawak pa ang sakop ng bawat aralin at sa bawat aralin ay may nakaangkop na aktibidad na talaga kakaiba at siguradong kasisisyahan ng makakagawa nito.Mas nabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na ipakita at mahubog pa lalo ang kanilang mga kakayahan at talento. Dito tataas ang antas at kalidad ng edukasyon. Makapagproprodyus ng mahuhusay na mag-aaral. Madaming magandang maidudulot nito hindi lang sa mga mag-aaral maging sa ating bansa.

Isang magandang alaala

  Ang buhay ng isang mag-aaral ay hindi biro. Nadiyan ang kasiyahan at kalungkutan at syempre hindi mawawala ang salitang "stress". Bilang isang mag-aaral sa ikasiyam na baitang, Marami akong naranasan at natutunan. Mga bagong aral na aking mababaon hanggang sa aking pagtanda.Dumarating ang hirap sa tuwing madaming kailangang gawin at tapusin yung tipong hindi ka na nakakatulog sa dami, lalo na kung nagkasabay-sabay pa.
  Namumuo ang isang matatag na relasyon sa bawat pangkatang gawain. dito nasusukat ang tiwala at malasakit sa isat-isa.Mga hindi makakalimutang karanasan habang ginagawa ninyo ito ng sama-sama. Mga bloopers na nabubuo. 
   Ibat-ibang karansan ang naganap sa buhay ko. Natutong magbake, magdirektor, gumawa ng script, sumulat ng sariling tula,kwento,awit at ibp.sumayaw na may sariling step, magdrawing, umarte at kung ano-ano pa. Biro nga namin magtatapos kami ng grade9 na direktor,chef at artista  na kami.
edi kami na!

 Sa kabuuan masasabi kong isang magandang alaala ang nangyari sa akin sa baitang na ito. Kahit sabihin na natin may mga problemang tinahak, nalagpasan naman sa tulong ng aking mga kaibigan at syempre sa tulong ng Diyos.


Yan ang aming Guro

  Strikta at masungit yan ang balita na una kong  narinig tungkol sa  magiging guro namin sa Filipino. Gayun din ang aking  tingin sa una palang.
   Napapansin niya ang lahat ng aming ginagawa at pinapatigil niya ito kung walang kaugnayan sa asignaturang kanyang tinuturo. Strikta siya pagdating sa pagsasalita ng Filipino. Pinupuna niya ang lahat ng mali naming nabibigkas. Lalo na ang pagsasalita ng ingles. Gayun din sa pagbati sa kanya sa labas ng klase imbis good morning ma'am ay magandang umaga po o kaya'y magandang araw po.Maging ang mga mag-aaral na nagbibigay ng anunsyo ay obligado ring magsalita ng filipino.Mabilis din niya mapuna ang mga maling bantas o ayos at pagkakagawa ng isang pangungusap.
   Ngunit siya ay mapagbirong tao, Kaya niyang makisabay sa kasiyahan at asaran at kung minsan pa nga ay siya pa ang nangunguna.
   Magaling siyang magturo, naipapaliwanag niya ng malinaw ang bawat aralin. Masipag din siyang guro kaya kahit magtatapos na ang klase patuloy parin siyang nagtuturo sa amin.
  Nakakahanga ang mga biswal na kanyang pinapaskil. Mula sa tirang makukulay na papel pinagsasama niya ito at nakakabuo ng maganda at kakaibang mga biswal. Maparaan at matipid kung baga.
  Alam namin kung galit siya. Tumatahimik na kami kaagad dahil iba rin siya kung magalit. Tila kami ay nagiging mga anghel sa takot na mapagalitan.
  Sa tulong niya nahahasa ang aming mga kakayahn na magsulat at bumuo ng isang magandang pangungusap o talata sa pamamgitan ng blog na kanyang ipinagawa sa amin.
 Yan ang aming Guro!

Linggo, Marso 15, 2015

Nilikhang kwento



Pangkatang Gawain






Naatas sa aming grupo ang paggawa ng isang tula na kung saan ipinapakita ang tunay na pagmamahal.. Ang aming nagawa ay walang sukat ngunit may tugma, may apat na saknong at sa bawat saknong ay may apat na taludtod. Batay sa tulang aming ginawa walang kahit ano at kahait sino ang makakapigil sa isang taong nagmamahal, ano man ang problemang kanyang maranasan. Mananatili at mananatali parin ang tinitibok ng kanyang puso, na siya lang at wala ng iba.




Ikasiyam na linggo para sa Ikaapat na Markahan

   Para sa linggong ito mas nakilala pa namin ng  lubusan si Maria Clara. Ang kanyang mga katangian bilang isang tao,kasintahan at bilang isang anak.
  
    Si Maria Clara ay isang mabuting tao. Simple,mahinhin,maawain.Siya ay maalalahanin na kasintahan at masunurin na anak.Kahit pa man labag sa kanyang kalooban mas pinili niyang sundin ang kanyang mga magulang.


   Tumatak sa akin ang tanong na kung ako si Maria Clara ipaglalaban ko ba o di ko ipaglalaban ang pagmamahal ko para kay Ibarra. Sa totoo lang mahirap magdesisyon lalo na kung dalawa silang mahal mo.Pero kung ako si Maria Clara hindi ko ipaglalaban ang aming pamamahalan dahil mas naayon at mas tamang gawin ang sumunod sa magulang. 

Ikawalong Linggo para sa Ikaapat na Markahan


     Matapos naming talakayin ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere na si Crisostomo Ibarra. Dumako naman kami sa isa rin sa mahalagang tauhan na si Elias.
     
    Gaya ni Ibarra, naging mangingibig din si Elias. Salome ang pangalan ng babaeng kanyang iniibig. Ngunit isinantabi niya ang kanyang nararamdaman para sa kanyang sariling bayan.
    
     Masasabing naging isang matalik na kaibigan ni Ibarra si Elias. Bukod sa tulong na ibinibigay ni Elias kay Ibarra. Nangingibabaw parin ng pagmamahal niya para kay Ibarra kaysa sa galit na kanyang nararamdaman.
      
     Ang pagkakaroon ng tunggalian sa isang kwento o nobela ay siyang nagpapaganda  at nagbibigay buhay dito. Nagbibigay rin ng interes ito sa mambabsa. Mayroong ibat-ibang klase ng tunggalian: tao sa tao, tao sa lipunan, at tao sa sarili, na makikita sa nobela.
   
     Tao sa tao ang tunggalian nila Padre Damaso at Ibarra, maging ang dalawang donya na sila Donya Consolacion at Donya Victorina. Samantalang Tao sa lipunan ang kinaharap ni Elias. Dahil kalaban siya ng pamahalaan at tinuturing na rebelde. Tao sa sarili naman ang tunggaliang naranasan nila Maria Clara, Elias at Crisostomo Ibarra. Para sa akin tao sa sarili ang pinakamahirap na tunggalian sa lahat dahil mahirap magdesisyon kung ano nga ba talagang dapat gawin.

  
     Malaki na nga ang pagbabago ng mga kababaihan noon at ngayon pagdating sa pananamit, pananalita,pagkilos at maging sa katayuan sa lipunan. Kung susumahin mas gusto ko ang kasuotan noon dahil eleganteng tignan at makikita na konserbatibo talaga hindi tulad ngayon paiklian at palantaran na at maging sa pagsasalita at pagkilos, padalos dalos na at puro masasamang salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Pero masasabing mas maganda na  ang katayuan sa lipunan ng mga kababaihan ngayon kumoara noon. Ngayon malaya nang ipakita ang kanilnag mga kakayahan at makipagsabayan pagdating sa politika, industriya at sa iba pang aspeto.

Linggo, Marso 1, 2015

Ikapitong Linggo para sa Ikaapat na Markahan

   Para sa linggong ito natapos naming sagutan ang mga gabay na katanungan gayundin ang pagsasagawa ng Mock Trial.
   
   Si Padre Damaso,Maria Clara at ang mga mamayan ng San Diego ang nakapagbigay ng kapighatian, kasawian at kahapamakan kay Ibarra.
  Kahapamakan ang idinulot ni Padre Damaso kay Ibarra dahil siya ang dahilan kung bakit  nadiin si Ibarra at malagay sa piligro ang kanyang buhay samantalang kapighatian ang idinulot ni Maria Clara nang  magpakasal siya kay Linares at kasawian naman ang idinulot ng mga mamamayan ng San Diego dahil sila ang bumato at bumatikos kay Ibarra na dapat sila ang umalalay at sumuporta sa kanya. Bagamat si Maria Clara ang hindi makapangyarihan sa tatlo dahil sa mga makapangyarihang taong nakapalibot sa kanya naiimluwesyahan siya nito .(Padre Damaso at Kapitan Tiyago)   
    Nakakatuwang isipin tama ang aking pananaw na biktima talaga ng pagkakataon si Crisostomo Ibarra. Na naipaliwanag ko noong nakaraang linggo.
   Isa sa kaganapan sa Noli Me Tangere na nagyayari parin hanggang ngayon ay ang pagtingin sa mga kamalian ni Crisostomo Ibarra at hindi napapansin ang mga kabutihang kanyang ginagawa na maihahalintulad sa kalagayan ng ating Pangulo ngayon, lagi siya ang mali at ang may kasalanan  sa mga nagyayari sa ating bansa.
    Base sa isinagawang Mock Trial . Para sa akin si Elias ang dapat mapawalang sala dahil nabigyan niya ng malinaw na paliwanag ang bawat katananungan na ibinabato sa kanya

Miyerkules, Pebrero 25, 2015

Ikaanim na linggo para sa Ikaapat na Markahan

     Para sa linggong ito tinalakay namin ang pagiging isang mangingibig, anak ni Ibarra at kung ano ang kanyang mga hangarin sa buhay.
   
   Maihahalintulad   ang  pag-iibibigan  nila Criostomo Ibarra at  Maria Clara sa pag-iibigan nila Romeo and Juliet. Na parehong sinubok ang kanilang relasyon, may mga humadlang at tumutol. Ang akala nating mapupunta  sa “happy ending” ay mauuwi din sa kasawian. Hindi rin sila nagkatuluyan sa huli ngunit ang pagkakaiba, parehong namatay sila Romeo and Juliet samantalang si Maria Clara lang ang namatay at buhay pa si Ibarra. Sa kanilang pag-iibigan naipakita ang  wagas na pagmamahal na hanggang sa huli pagibig parin ang mananatili.
     
    Naging isang mabuting anak si Crisostomo Ibarra, nag-aral siya ng mabuti sa Europa , ngunit sinisi niya ang kanyang sarili dahil wala siyang nagawa nang mamatay  ang kanyang ama. Kaya ganun na lamang ang kanyang pagnanais na malaman kung paano at bakit namatay ang kanyang ama. At handa siyang makipaglaban alang-ala sa kanyang ama.
    
    Sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra sa Pilipinas , hangarin niyang malaman ang tungkol sa kanyang ama,magpatayo ng paaralan at magpakasal kay Maria Clara. Ngunit ang mga ito ay sadyang hindi naisakatuparan. Tangng kaganapan lang sa kanyang ama ang kanya nalaman.
   
    Iniwan ng aming guro ang tanong na “ mangingibig at biktima nga ba ng pagkakataon si Crsostomo Ibarra?”  para sa akin,mangingibig si Crisostomop Ibarra kay Maria Clara dahil naging tapat siya at hindi naghanap ng ibang mamahalin  habang namamalagi siya sa Europa. Maging sa bayan ng San Diego naipakita niya ang kanyang pagmamahal. Sa aking palagay naging biktima ng pagkakataon si Criostomomo Ibarra, dahil hinusgahan siya base  sa kanyang ama. Dahil galit si  Padre Damaso  sa kanyang ama nadamay rin siya sa galit nito. Siguro kung hindi siya anak ni Don Rafael marahil hini niya mararanasan ang  panglalait at kasawian sa kanyang buhay at marahil walang tututol sa pagmamahalan nila ni Maria Clara.
  
    Naging malupit  kay Ibarra ang bayang kanyang minahal. Kung ako ang nasa kalagayan niya lubos na kalungkutan ang aking mararamdaman dahil sa kabila ng aking paghahangad ng kabutihan at kaunlaran para sa aking bayan ngunit iiwan din pala nila ako sa huli. Ang akalang kong pwedeng kong maging sandalan ay sila pang unang mangbabatikos sa akin.




Huwebes, Pebrero 19, 2015

Ikalimang linggo para sa Ikaapat na markahan

I
      Banghay ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari: simula,tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at wakas. Ayon sa aming guro, sa kabanat 7 talagang masasabi na nagumpisa ang Noli Me Tangere. Marahil sa kabanatang ito makikita na ang Nobela ay umiikot kila Crisostomo Ibarra at Maria Clara, habang ang kasukdulan naman ay ang kabanata 34 ang Pananghalian. Dito naganap ang hindi inaasahang pangyayari kung saan naubos na ang pasensya ni Ibarra kaya naman tinangka niyang saksakin si Padre Damaso na napigilan naman ni Maria Clara. Sa pamamagitan ng mga kabanatang ito mahihinuha na kaagad ang buong istorya ng nobalang Noli Me Tangere.

     
      Bagamat nahirapan kami sa nagging takdang aralin naming sa buong linggong ito, napagtanto ko na ang lahat ng kabanat na may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra ay mahalaga

Linggo, Pebrero 8, 2015

Ikaapat na Linggo para sa Ikaapat na Markahan

     Ayon sa  aming  guro sa  Filipino,  siya  ay  nasiyahan  sa  isinagawa  naming  presentasyon  sa  Parade  of  Characters,  kaya  naman  napuri  ang  ilan  sa  aming  kamag-aral dahil nagawa nilang  iakto  ng  maayos  ang  mga  karakter ,tulad  na lamang  ni  Eddann  Rey Panelo  bilang  Crisostomo  Ibarra  na ayon  sa aming guro hindi  siya  nabulol  sa pagsasalita,  sapagkat isa  sa katangian  ni  Ibarra  ay  magaling   magsalita sa  harap  ng mga  tao. Napuri rin si Shane  Cebu  bilang  Sisa  na talaga namang nakakaantig ang pagkakaarte at maging  sila Clarice  Ostia, Ellane  Jane  Soltes ,Jennica  Legados,  at  Wendy  Shayne  Cebu bilang  mga Donya Vitorina  at Donya Consolacion  at hindi  rin nagpahuli si  Marlon  Aclon bilang  Basilio  at  Crispin na  labis  na  ikinatuwa  ng  bawat  isa. Dito mas  nakilala namin ang  mga katangian  ng  bawat  karakter  pagdating  sa  kanilang  kilos ,pananalita, paguugali at  maging  ang  kanilang  pisikal  na  anyo.
       
    Sa muli naming pagtalakay  ng mga tauhan   sa Noli Me  Tangere nalaman namin  ang tunay  na   kanilang sinisimbolo tulad  ni  Sisa : larawan  siya  ng  kawalan  ng  katarungan  sa bansa at  kung  paano ito inabuso ng mga Espanyol  na nangangahulugang  sinsimbolo niya  ang Inang  Bayan.
     
      Maging  sa  Gawain na  aming  ginawa, pumapatungkol parin  ito  sa  mga tauhan ng Noli  Me  Tangere  na kung  saan inihambing  namin ang aming kaibigan sa  isa  sa tauhan  ng nasabing nobela sa pamamagitan ng  pagsulat ng isang  liham.
      
      Matapos talakayin  ng  Pangkat 1  ang  unang  sampung  kabanata,  nagkaroon kami ng kaalaman  kung anong ugali meron si Crisostomo  Ibarra at  kung paano  namatay ang kanyang  ama.
  


Linggo, Pebrero 1, 2015

Ikatlong linggo para sa Ikaapat na Markahan

    Sa kadahilanang ang aming Guro ay nasa Batangas kasama ang ilan naming kamag-aral sa RSPC.
    Pumalit si Ginoong Mixto bilang aming Guro sa loob ng dalawang araw. Tinalakay niya ang mga “Tauhang nilikha ni Dr .Jose Rizal sa Noli Me Tangre na nabuo sa pamamagitan ng mga taong nakapalibot sa kanya.Batay ito sa mga totoong tao kung gayon itoy nagiging makakatotohan at ang bawat isa ay may sinasagisag o sinisimolo.
   
  Nakilala namin ang ibat-ibang tauhan sa Noli Me Tangere batay sa kanilang katangian. Nagkaroon din kami ng kaalaman patungkol sa mga linya na kanilang nasambit  sa loob ng nobela.
  
    Matapos ang dalawang araw. Bumalik na ang  aming Guro na siyang nagbigay ng kaalaman tungkol sa mga kaganapan  sa Noli Me Tangere at maging sa Jose Rizal na kanyang  ipinanuod.
  
    Sinuri namin ang mga tauhan kung sino ang kanilang kinakatawan sa loob ng nobela,tulad ni Crisostomo  Ibarra  na  kumakatawan  kay  Jose Rizal, Maria  Clara  kay Leonor  na  naging kasintahan  ni  Jose  Rizal,Pilosopong  Tasyo  kay  Paciano  na  magaling  magpayo, Padre  Damaso  kay  Padre  Antonio  Piernavieja  kinapopootang  pari, Kapitan  Tiyago  kay Kapitan Hilario  Sunco  naging  sunod-sunuran sa  mga  Kastila,Donya  Consulacion at  Donya  Victorina  kay Donya  Agustina Medel  de  Coca  na  parehong  tinatakwil  ang  pagiging  Pilipino,  Basilio  at  Crispi  sa  magapatid  na Crrisostomo  na  parehong  nakaranas  ng  pagdurusa  sa buhay  at mga  Prayle  sa  mga Prasiskano  na  naging malupit sa  mga  Pilipino.
    
    Inatasan kami ng  aming Guro na  basahin  namin ang  mga  kabanata  na  pumapatungkol  kay  Crisostomo  Ibarra  bilang  pangunahing  tauhan.


Linggo, Enero 25, 2015

Ikalawang linggo para sa Ikaapat na Markahan

    Bago pa man talakayin ang bagong aralin.Tinalakay muna ni Gng.Mixto ang pokus na tanong .

    Para sa linggong ito ,tinalakay namin ang Kaligirang Pangkasayasayan ng Noli Me Tangere na kung saan natuklasan naming ang tunay na antas o kalagayan ng Espanya sa panahong iyon. Akala ng mga Pilipino na napakalakas at napakamakapangyarihan ng  mga Espanyol ngunit ang katotohanan ay unti-unti na itong bumabagsak; nalugi ang kanilang mga Galleon Trade,pagkahiwalay ng mga kanugnog na bansa at kawalan nila ng matatag na pamahalaan.Masasabi ko na kung nalaman ng mga Pilipino ang tunay na kalagayan ng Esapnyol ng mas maaga siguro hindi mangyayari ang pang-aaping ginawa ng mga Prayle.

    Bukod pa dito tinalakay din namin ang mga dahilan sa pagkakasulat ni Rizal ng Noli Me Tangere: Pagbubukas ng Suiz Canal- mapapabilis ang pagkaalam o balitang makakalap tungkol sa Europa. Pagsibol ng kaisipang Liberalidad,Equalidad at Fraternidad, Himagsikan sa Francia. Dahil  sa tingin ni  Rizal makakatulong itong halimbawa sa mga Pilipino naipaglaban din nila ang kanilang kalayan.
      
    Para naman sa aming pangkatang Gawain,tinalakay ng bawat grupo ang mga kaganapan sa Kabataan ni Rizal. Tinalakay ng pangkat 4 ang“ Sa aking mg kababata” na nakatuon sa pagmamahal sa sarilingwika. Dito napagtanto ko na hindi ganon kalubos ang pagmamahal ko sa aking bansa at dapat mag-umpisa ito sa mga lider ng ating bansa maging ang Department of Tourism. Tinalakay naman ng aming grupo(pangkat 3) “Ang Gamugamo at si Jose Rizal” na nagpapakita sa pagsubok ni Rizal sa isang bagay na malaman ang magiging kalalabasan o kahahantunagan nito,tulad ng kanyang pagtuklas kung ano ang mayroon sa Espanya. At nanaig din ang pangaral ng kanyangina.Tinalakay ng pangkat 2 “Ang Tsinelas” sa murang edad ni Rizal, lubos na ang kanyang pagmamahal sa kanyang kapwa. Iniisip niya lagi ang kapakanan ng iba.Tulad ng pagsasakripisyo niya sa para sa lahat ng mga Pilipino. Kahit ikawala niya pa ito ng buhay,maipakita lang ang tunay na pagmamahal niya para sa ating Bayan.
     
     Matapos basahin ng pangkat 1 Ang Buod ng Noli Me Tangere. Sinuri naming ang pagkakatulad ni Crisostomo Ibarra sa buhay ni Rizal, inihantulad din namin ang mga kaganapan sa kwento na nangyari sa Pilipinas. Gayun din ang mga aralin na aming tinalakay.


     Panghuli nagsagawa kami ng isang Debate, patungkol sa tanong na: Dapat ba o di-dapat ginamit ni Rizal ang kanyang panulat sa kapakanan ng Bayan. Tila nahirapan ang bawat isa sa pagsagot sa tanong na ito.

Linggo, Enero 18, 2015

Unang Linggo para sa Ikaapat na markahan

   Matapos ang 2 araw ng pagsususlit para sa ikatlong  markahan. Tinalakay na ni Gng.Mixto ang magiging aralin sa ikaapat na markahan. Kung noon,pinag-aralan namin ang tungkol sa Ibon Adarna ngayon pag-aaralan naman namin ang Noli Me Tangere na ang ibig sabihin ay "Huwag mo akong salihin" sa tagalog at "Touch Me not" naman sa ingles. Gayun din ang pokus na tanong na kinakailangan naming masagot sa pagtatapos ng aralin na ito. Bukod pa rito tinalakay rin ni Gng.Mixto ang magiging produkto na aming gagawin. Ang paggawa ng Movie trailer o short film na mamimili mula sa kabanata 7,34,54 at 60 o sa ilang mga tauhan tulad ni Crisostomo Ibbara,Elias,Pader Damaso atbp. Nagawa narin naming sagutan ang unang pagtataya para sa aming mga tatalakayin.

Lunes, Enero 12, 2015

Sinopsis at Pangangatwiran

      Ang Sinopsis ay isang malikhaing kabuuan ng mahahalagang bahagi ng isang akda,itoy nagbibigay ng impormasyon,at sa pamamagitan nito nagkakaroon ng kaalaman kung tungkol saan ang nobelang babasahin.

      Ang Pangagatwiran ay mga pahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap.

Sanaysay

           Sa muling pagtalakay ng sanaysay natutunan ko ang pagkakaiba ng
                             sanaysay at kathang agham.
.
                             Sanaysay                                       Kathang Agham 
                              -maguni-guni                                   -maanyo
                              -pansarili                                          -panlahat
                              -di-tapos                                           -tapos
                              -di-ganap                                          -ganap na pamamaraan
           Bukod pa dito natutunan ko din ang Pamaksang Pangungusap na tinatawag na pangunahinag ideya o ang pinaguusapan sa buong talata at Pantulong na Pangungusap na nagbibigay detalye at paliwanag sa pamaksang pangungusap.

        Halimbawa:
           Pamaksang pangungusap:
                 -Ang mga kabataan ngayon ay palala na ng palala.
         
           Pantulong na pangungusap:
                -Nalulong sa droga at madalas na sangkot sa mga krimen.
                -Nagrerebelde sa mga magulang,
                -Humihinto sa pagaaral dahil maagang nabuntis.