Biyernes, Marso 20, 2015

Yan ang aming Guro

  Strikta at masungit yan ang balita na una kong  narinig tungkol sa  magiging guro namin sa Filipino. Gayun din ang aking  tingin sa una palang.
   Napapansin niya ang lahat ng aming ginagawa at pinapatigil niya ito kung walang kaugnayan sa asignaturang kanyang tinuturo. Strikta siya pagdating sa pagsasalita ng Filipino. Pinupuna niya ang lahat ng mali naming nabibigkas. Lalo na ang pagsasalita ng ingles. Gayun din sa pagbati sa kanya sa labas ng klase imbis good morning ma'am ay magandang umaga po o kaya'y magandang araw po.Maging ang mga mag-aaral na nagbibigay ng anunsyo ay obligado ring magsalita ng filipino.Mabilis din niya mapuna ang mga maling bantas o ayos at pagkakagawa ng isang pangungusap.
   Ngunit siya ay mapagbirong tao, Kaya niyang makisabay sa kasiyahan at asaran at kung minsan pa nga ay siya pa ang nangunguna.
   Magaling siyang magturo, naipapaliwanag niya ng malinaw ang bawat aralin. Masipag din siyang guro kaya kahit magtatapos na ang klase patuloy parin siyang nagtuturo sa amin.
  Nakakahanga ang mga biswal na kanyang pinapaskil. Mula sa tirang makukulay na papel pinagsasama niya ito at nakakabuo ng maganda at kakaibang mga biswal. Maparaan at matipid kung baga.
  Alam namin kung galit siya. Tumatahimik na kami kaagad dahil iba rin siya kung magalit. Tila kami ay nagiging mga anghel sa takot na mapagalitan.
  Sa tulong niya nahahasa ang aming mga kakayahn na magsulat at bumuo ng isang magandang pangungusap o talata sa pamamgitan ng blog na kanyang ipinagawa sa amin.
 Yan ang aming Guro!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento