Matapos naming talakayin ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere na si
Crisostomo Ibarra. Dumako naman kami sa isa rin sa mahalagang tauhan na si
Elias.
Gaya ni Ibarra, naging mangingibig din si Elias. Salome ang pangalan ng
babaeng kanyang iniibig. Ngunit isinantabi niya ang kanyang nararamdaman para
sa kanyang sariling bayan.
Masasabing naging isang matalik na kaibigan ni Ibarra si Elias. Bukod sa
tulong na ibinibigay ni Elias kay Ibarra. Nangingibabaw parin ng pagmamahal
niya para kay Ibarra kaysa sa galit na kanyang nararamdaman.
Ang pagkakaroon ng tunggalian sa isang kwento o nobela ay siyang
nagpapaganda at nagbibigay buhay dito.
Nagbibigay rin ng interes ito sa mambabsa. Mayroong ibat-ibang klase ng
tunggalian: tao sa tao, tao sa lipunan, at tao sa sarili, na makikita sa
nobela.
Tao sa tao ang tunggalian nila Padre Damaso at Ibarra, maging ang
dalawang donya na sila Donya Consolacion at Donya Victorina. Samantalang Tao sa
lipunan ang kinaharap ni Elias. Dahil kalaban siya ng pamahalaan at tinuturing
na rebelde. Tao sa sarili naman ang tunggaliang naranasan nila Maria Clara,
Elias at Crisostomo Ibarra. Para sa akin tao sa sarili ang pinakamahirap na
tunggalian sa lahat dahil mahirap magdesisyon kung ano nga ba talagang dapat
gawin.
Malaki na nga ang pagbabago ng mga kababaihan noon at ngayon pagdating
sa pananamit, pananalita,pagkilos at maging sa katayuan sa lipunan. Kung
susumahin mas gusto ko ang kasuotan noon dahil eleganteng tignan at makikita na
konserbatibo talaga hindi tulad ngayon paiklian at palantaran na at maging sa
pagsasalita at pagkilos, padalos dalos na at puro masasamang salita ang
lumalabas sa kanilang mga bibig. Pero masasabing mas maganda na ang katayuan sa lipunan ng mga kababaihan
ngayon kumoara noon. Ngayon malaya nang ipakita ang kanilnag mga kakayahan at
makipagsabayan pagdating sa politika, industriya at sa iba pang aspeto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento