Para sa linggong ito natapos naming sagutan ang mga gabay na
katanungan gayundin ang pagsasagawa ng Mock Trial.
Si Padre
Damaso,Maria Clara at ang mga mamayan ng San Diego ang nakapagbigay ng
kapighatian, kasawian at kahapamakan kay Ibarra.
Kahapamakan ang
idinulot ni Padre Damaso kay Ibarra dahil siya ang dahilan kung bakit nadiin si Ibarra at malagay sa piligro ang
kanyang buhay samantalang kapighatian ang idinulot ni Maria Clara nang magpakasal siya kay Linares at kasawian naman
ang idinulot ng mga mamamayan ng San Diego dahil sila ang bumato at bumatikos
kay Ibarra na dapat sila ang umalalay at sumuporta sa kanya. Bagamat si Maria
Clara ang hindi makapangyarihan sa tatlo dahil sa mga makapangyarihang taong
nakapalibot sa kanya naiimluwesyahan siya nito .(Padre Damaso at Kapitan
Tiyago)
Nakakatuwang isipin
tama ang aking pananaw na biktima talaga ng pagkakataon si Crisostomo Ibarra. Na
naipaliwanag ko noong nakaraang linggo.
Isa sa kaganapan sa
Noli Me Tangere na nagyayari parin hanggang ngayon ay ang pagtingin sa mga
kamalian ni Crisostomo Ibarra at hindi napapansin ang mga kabutihang kanyang
ginagawa na maihahalintulad sa kalagayan ng ating Pangulo ngayon, lagi siya ang
mali at ang may kasalanan sa mga
nagyayari sa ating bansa.
Base
sa isinagawang Mock Trial . Para sa akin si Elias ang dapat mapawalang sala
dahil nabigyan niya ng malinaw na paliwanag ang bawat katananungan na ibinabato
sa kanya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento