Ang buhay ng isang mag-aaral ay hindi biro. Nadiyan ang
kasiyahan at kalungkutan at syempre hindi mawawala ang salitang
"stress". Bilang isang mag-aaral sa ikasiyam na baitang, Marami akong
naranasan at natutunan. Mga bagong aral na aking mababaon hanggang sa aking
pagtanda.Dumarating ang hirap sa tuwing madaming kailangang gawin at tapusin
yung tipong hindi ka na nakakatulog sa dami, lalo na kung nagkasabay-sabay pa.
Namumuo ang isang matatag na relasyon sa bawat pangkatang
gawain. dito nasusukat ang tiwala at malasakit sa isat-isa.Mga hindi
makakalimutang karanasan habang ginagawa ninyo ito ng sama-sama. Mga bloopers
na nabubuo.
Ibat-ibang karansan ang naganap sa buhay ko. Natutong
magbake, magdirektor, gumawa ng script, sumulat ng sariling tula,kwento,awit at
ibp.sumayaw na may sariling step, magdrawing, umarte at kung ano-ano pa. Biro
nga namin magtatapos kami ng grade9 na direktor,chef at artista na kami.
edi kami na!
Sa
kabuuan masasabi kong isang magandang alaala ang nangyari sa akin sa baitang na
ito. Kahit sabihin na natin may mga problemang tinahak, nalagpasan naman sa
tulong ng aking mga kaibigan at syempre sa tulong ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento