Para sa linggong ito mas nakilala pa namin ng lubusan si Maria Clara. Ang kanyang mga
katangian bilang isang tao,kasintahan at bilang isang anak.
Si
Maria Clara ay isang mabuting tao. Simple,mahinhin,maawain.Siya ay maalalahanin
na kasintahan at masunurin na anak.Kahit pa man labag sa kanyang kalooban mas
pinili niyang sundin ang kanyang mga magulang.
Tumatak sa akin ang tanong na kung ako si
Maria Clara ipaglalaban ko ba o di ko ipaglalaban ang pagmamahal ko para kay
Ibarra. Sa totoo lang mahirap magdesisyon lalo na kung dalawa silang mahal
mo.Pero kung ako si Maria Clara hindi ko ipaglalaban ang aming pamamahalan
dahil mas naayon at mas tamang gawin ang sumunod sa magulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento