Para sa linggong
ito tinalakay namin ang pagiging isang mangingibig, anak ni Ibarra at kung ano ang
kanyang mga hangarin sa buhay.
Maihahalintulad ang
pag-iibibigan nila Criostomo
Ibarra at Maria Clara sa pag-iibigan
nila Romeo and Juliet. Na parehong sinubok ang kanilang relasyon, may mga
humadlang at tumutol. Ang akala nating mapupunta sa “happy ending” ay mauuwi din sa kasawian.
Hindi rin sila nagkatuluyan sa huli ngunit ang pagkakaiba, parehong namatay
sila Romeo and Juliet samantalang si Maria Clara lang ang namatay at buhay pa
si Ibarra. Sa kanilang pag-iibigan naipakita ang wagas na pagmamahal na hanggang sa huli pagibig
parin ang mananatili.
Naging isang
mabuting anak si Crisostomo Ibarra, nag-aral siya ng mabuti sa Europa , ngunit
sinisi niya ang kanyang sarili dahil wala siyang nagawa nang mamatay ang kanyang ama. Kaya ganun na lamang ang
kanyang pagnanais na malaman kung paano at bakit namatay ang kanyang ama. At handa
siyang makipaglaban alang-ala sa kanyang ama.
Sa pagbabalik ni
Crisostomo Ibarra sa Pilipinas , hangarin niyang malaman ang tungkol sa kanyang
ama,magpatayo ng paaralan at magpakasal kay Maria Clara. Ngunit ang mga ito ay
sadyang hindi naisakatuparan. Tangng kaganapan lang sa kanyang ama ang kanya
nalaman.
Iniwan ng aming
guro ang tanong na “ mangingibig at biktima nga ba ng pagkakataon si Crsostomo
Ibarra?” para sa akin,mangingibig si
Crisostomop Ibarra kay Maria Clara dahil naging tapat siya at hindi naghanap ng
ibang mamahalin habang namamalagi siya
sa Europa. Maging sa bayan ng San Diego naipakita niya ang kanyang pagmamahal.
Sa aking palagay naging biktima ng pagkakataon si Criostomomo Ibarra, dahil
hinusgahan siya base sa kanyang ama.
Dahil galit si Padre Damaso sa kanyang ama nadamay rin siya sa galit
nito. Siguro kung hindi siya anak ni Don Rafael marahil hini niya mararanasan
ang panglalait at kasawian sa kanyang
buhay at marahil walang tututol sa pagmamahalan nila ni Maria Clara.
Naging malupit kay Ibarra ang bayang kanyang minahal. Kung
ako ang nasa kalagayan niya lubos na kalungkutan ang aking mararamdaman dahil
sa kabila ng aking paghahangad ng kabutihan at kaunlaran para sa aking bayan
ngunit iiwan din pala nila ako sa huli. Ang akalang kong pwedeng kong maging
sandalan ay sila pang unang mangbabatikos sa akin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento