Sa kadahilanang ang aming Guro ay nasa Batangas kasama ang ilan
naming kamag-aral sa RSPC.
Pumalit si Ginoong
Mixto bilang aming Guro sa loob ng dalawang araw. Tinalakay niya ang mga
“Tauhang nilikha ni Dr .Jose Rizal sa Noli Me Tangre na nabuo sa pamamagitan ng
mga taong nakapalibot sa kanya.Batay ito sa mga totoong tao kung gayon itoy
nagiging makakatotohan at ang bawat isa ay may sinasagisag o sinisimolo.
Nakilala namin ang
ibat-ibang tauhan sa Noli Me Tangere batay sa kanilang katangian. Nagkaroon din
kami ng kaalaman patungkol sa mga linya na kanilang nasambit sa loob ng nobela.
Matapos ang
dalawang araw. Bumalik na ang aming Guro
na siyang nagbigay ng kaalaman tungkol sa mga kaganapan sa Noli Me Tangere at maging sa Jose Rizal na
kanyang ipinanuod.
Sinuri namin ang
mga tauhan kung sino ang kanilang kinakatawan sa loob ng nobela,tulad ni
Crisostomo Ibarra na
kumakatawan kay Jose Rizal, Maria Clara
kay Leonor na naging kasintahan ni
Jose Rizal,Pilosopong Tasyo
kay Paciano na
magaling magpayo, Padre Damaso
kay Padre Antonio
Piernavieja kinapopootang pari, Kapitan
Tiyago kay Kapitan Hilario Sunco naging sunod-sunuran sa mga
Kastila,Donya Consulacion at Donya
Victorina kay Donya Agustina Medel de
Coca na parehong
tinatakwil ang pagiging
Pilipino, Basilio at
Crispi sa magapatid
na Crrisostomo na parehong
nakaranas ng pagdurusa
sa buhay at mga Prayle
sa mga Prasiskano na
naging malupit sa mga Pilipino.
Inatasan kami
ng aming Guro na basahin
namin ang mga kabanata
na pumapatungkol kay
Crisostomo Ibarra bilang
pangunahing tauhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento