Linggo, Pebrero 8, 2015

Ikaapat na Linggo para sa Ikaapat na Markahan

     Ayon sa  aming  guro sa  Filipino,  siya  ay  nasiyahan  sa  isinagawa  naming  presentasyon  sa  Parade  of  Characters,  kaya  naman  napuri  ang  ilan  sa  aming  kamag-aral dahil nagawa nilang  iakto  ng  maayos  ang  mga  karakter ,tulad  na lamang  ni  Eddann  Rey Panelo  bilang  Crisostomo  Ibarra  na ayon  sa aming guro hindi  siya  nabulol  sa pagsasalita,  sapagkat isa  sa katangian  ni  Ibarra  ay  magaling   magsalita sa  harap  ng mga  tao. Napuri rin si Shane  Cebu  bilang  Sisa  na talaga namang nakakaantig ang pagkakaarte at maging  sila Clarice  Ostia, Ellane  Jane  Soltes ,Jennica  Legados,  at  Wendy  Shayne  Cebu bilang  mga Donya Vitorina  at Donya Consolacion  at hindi  rin nagpahuli si  Marlon  Aclon bilang  Basilio  at  Crispin na  labis  na  ikinatuwa  ng  bawat  isa. Dito mas  nakilala namin ang  mga katangian  ng  bawat  karakter  pagdating  sa  kanilang  kilos ,pananalita, paguugali at  maging  ang  kanilang  pisikal  na  anyo.
       
    Sa muli naming pagtalakay  ng mga tauhan   sa Noli Me  Tangere nalaman namin  ang tunay  na   kanilang sinisimbolo tulad  ni  Sisa : larawan  siya  ng  kawalan  ng  katarungan  sa bansa at  kung  paano ito inabuso ng mga Espanyol  na nangangahulugang  sinsimbolo niya  ang Inang  Bayan.
     
      Maging  sa  Gawain na  aming  ginawa, pumapatungkol parin  ito  sa  mga tauhan ng Noli  Me  Tangere  na kung  saan inihambing  namin ang aming kaibigan sa  isa  sa tauhan  ng nasabing nobela sa pamamagitan ng  pagsulat ng isang  liham.
      
      Matapos talakayin  ng  Pangkat 1  ang  unang  sampung  kabanata,  nagkaroon kami ng kaalaman  kung anong ugali meron si Crisostomo  Ibarra at  kung paano  namatay ang kanyang  ama.
  


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento