Biyernes, Marso 20, 2015

Bagong Edukasyon

   Nararanasan na ng mag mag-aaral sa Sekondarya ang k-12 kurikulum. Dito nadagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral sa sekondarya. Ang unang apat na taon mula grade7 hanggang grade10 ay tinatawag na Junior Highschool at ang sumunod na dalawang taon ,grade11 at grade12 ay Senior Highschool. Sinasabing ang dalawang taon na karagdagan ay preparasyon para sa kolehiyo.

  Bilang mag-aaral na nakakaranas ng bagong kurikulum na ito.Masasabi kong itoy maganda dahil mas lumalawak pa ang sakop ng bawat aralin at sa bawat aralin ay may nakaangkop na aktibidad na talaga kakaiba at siguradong kasisisyahan ng makakagawa nito.Mas nabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na ipakita at mahubog pa lalo ang kanilang mga kakayahan at talento. Dito tataas ang antas at kalidad ng edukasyon. Makapagproprodyus ng mahuhusay na mag-aaral. Madaming magandang maidudulot nito hindi lang sa mga mag-aaral maging sa ating bansa.

Isang magandang alaala

  Ang buhay ng isang mag-aaral ay hindi biro. Nadiyan ang kasiyahan at kalungkutan at syempre hindi mawawala ang salitang "stress". Bilang isang mag-aaral sa ikasiyam na baitang, Marami akong naranasan at natutunan. Mga bagong aral na aking mababaon hanggang sa aking pagtanda.Dumarating ang hirap sa tuwing madaming kailangang gawin at tapusin yung tipong hindi ka na nakakatulog sa dami, lalo na kung nagkasabay-sabay pa.
  Namumuo ang isang matatag na relasyon sa bawat pangkatang gawain. dito nasusukat ang tiwala at malasakit sa isat-isa.Mga hindi makakalimutang karanasan habang ginagawa ninyo ito ng sama-sama. Mga bloopers na nabubuo. 
   Ibat-ibang karansan ang naganap sa buhay ko. Natutong magbake, magdirektor, gumawa ng script, sumulat ng sariling tula,kwento,awit at ibp.sumayaw na may sariling step, magdrawing, umarte at kung ano-ano pa. Biro nga namin magtatapos kami ng grade9 na direktor,chef at artista  na kami.
edi kami na!

 Sa kabuuan masasabi kong isang magandang alaala ang nangyari sa akin sa baitang na ito. Kahit sabihin na natin may mga problemang tinahak, nalagpasan naman sa tulong ng aking mga kaibigan at syempre sa tulong ng Diyos.


Yan ang aming Guro

  Strikta at masungit yan ang balita na una kong  narinig tungkol sa  magiging guro namin sa Filipino. Gayun din ang aking  tingin sa una palang.
   Napapansin niya ang lahat ng aming ginagawa at pinapatigil niya ito kung walang kaugnayan sa asignaturang kanyang tinuturo. Strikta siya pagdating sa pagsasalita ng Filipino. Pinupuna niya ang lahat ng mali naming nabibigkas. Lalo na ang pagsasalita ng ingles. Gayun din sa pagbati sa kanya sa labas ng klase imbis good morning ma'am ay magandang umaga po o kaya'y magandang araw po.Maging ang mga mag-aaral na nagbibigay ng anunsyo ay obligado ring magsalita ng filipino.Mabilis din niya mapuna ang mga maling bantas o ayos at pagkakagawa ng isang pangungusap.
   Ngunit siya ay mapagbirong tao, Kaya niyang makisabay sa kasiyahan at asaran at kung minsan pa nga ay siya pa ang nangunguna.
   Magaling siyang magturo, naipapaliwanag niya ng malinaw ang bawat aralin. Masipag din siyang guro kaya kahit magtatapos na ang klase patuloy parin siyang nagtuturo sa amin.
  Nakakahanga ang mga biswal na kanyang pinapaskil. Mula sa tirang makukulay na papel pinagsasama niya ito at nakakabuo ng maganda at kakaibang mga biswal. Maparaan at matipid kung baga.
  Alam namin kung galit siya. Tumatahimik na kami kaagad dahil iba rin siya kung magalit. Tila kami ay nagiging mga anghel sa takot na mapagalitan.
  Sa tulong niya nahahasa ang aming mga kakayahn na magsulat at bumuo ng isang magandang pangungusap o talata sa pamamgitan ng blog na kanyang ipinagawa sa amin.
 Yan ang aming Guro!

Linggo, Marso 15, 2015

Nilikhang kwento



Pangkatang Gawain






Naatas sa aming grupo ang paggawa ng isang tula na kung saan ipinapakita ang tunay na pagmamahal.. Ang aming nagawa ay walang sukat ngunit may tugma, may apat na saknong at sa bawat saknong ay may apat na taludtod. Batay sa tulang aming ginawa walang kahit ano at kahait sino ang makakapigil sa isang taong nagmamahal, ano man ang problemang kanyang maranasan. Mananatili at mananatali parin ang tinitibok ng kanyang puso, na siya lang at wala ng iba.




Ikasiyam na linggo para sa Ikaapat na Markahan

   Para sa linggong ito mas nakilala pa namin ng  lubusan si Maria Clara. Ang kanyang mga katangian bilang isang tao,kasintahan at bilang isang anak.
  
    Si Maria Clara ay isang mabuting tao. Simple,mahinhin,maawain.Siya ay maalalahanin na kasintahan at masunurin na anak.Kahit pa man labag sa kanyang kalooban mas pinili niyang sundin ang kanyang mga magulang.


   Tumatak sa akin ang tanong na kung ako si Maria Clara ipaglalaban ko ba o di ko ipaglalaban ang pagmamahal ko para kay Ibarra. Sa totoo lang mahirap magdesisyon lalo na kung dalawa silang mahal mo.Pero kung ako si Maria Clara hindi ko ipaglalaban ang aming pamamahalan dahil mas naayon at mas tamang gawin ang sumunod sa magulang. 

Ikawalong Linggo para sa Ikaapat na Markahan


     Matapos naming talakayin ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere na si Crisostomo Ibarra. Dumako naman kami sa isa rin sa mahalagang tauhan na si Elias.
     
    Gaya ni Ibarra, naging mangingibig din si Elias. Salome ang pangalan ng babaeng kanyang iniibig. Ngunit isinantabi niya ang kanyang nararamdaman para sa kanyang sariling bayan.
    
     Masasabing naging isang matalik na kaibigan ni Ibarra si Elias. Bukod sa tulong na ibinibigay ni Elias kay Ibarra. Nangingibabaw parin ng pagmamahal niya para kay Ibarra kaysa sa galit na kanyang nararamdaman.
      
     Ang pagkakaroon ng tunggalian sa isang kwento o nobela ay siyang nagpapaganda  at nagbibigay buhay dito. Nagbibigay rin ng interes ito sa mambabsa. Mayroong ibat-ibang klase ng tunggalian: tao sa tao, tao sa lipunan, at tao sa sarili, na makikita sa nobela.
   
     Tao sa tao ang tunggalian nila Padre Damaso at Ibarra, maging ang dalawang donya na sila Donya Consolacion at Donya Victorina. Samantalang Tao sa lipunan ang kinaharap ni Elias. Dahil kalaban siya ng pamahalaan at tinuturing na rebelde. Tao sa sarili naman ang tunggaliang naranasan nila Maria Clara, Elias at Crisostomo Ibarra. Para sa akin tao sa sarili ang pinakamahirap na tunggalian sa lahat dahil mahirap magdesisyon kung ano nga ba talagang dapat gawin.

  
     Malaki na nga ang pagbabago ng mga kababaihan noon at ngayon pagdating sa pananamit, pananalita,pagkilos at maging sa katayuan sa lipunan. Kung susumahin mas gusto ko ang kasuotan noon dahil eleganteng tignan at makikita na konserbatibo talaga hindi tulad ngayon paiklian at palantaran na at maging sa pagsasalita at pagkilos, padalos dalos na at puro masasamang salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Pero masasabing mas maganda na  ang katayuan sa lipunan ng mga kababaihan ngayon kumoara noon. Ngayon malaya nang ipakita ang kanilnag mga kakayahan at makipagsabayan pagdating sa politika, industriya at sa iba pang aspeto.

Linggo, Marso 1, 2015

Ikapitong Linggo para sa Ikaapat na Markahan

   Para sa linggong ito natapos naming sagutan ang mga gabay na katanungan gayundin ang pagsasagawa ng Mock Trial.
   
   Si Padre Damaso,Maria Clara at ang mga mamayan ng San Diego ang nakapagbigay ng kapighatian, kasawian at kahapamakan kay Ibarra.
  Kahapamakan ang idinulot ni Padre Damaso kay Ibarra dahil siya ang dahilan kung bakit  nadiin si Ibarra at malagay sa piligro ang kanyang buhay samantalang kapighatian ang idinulot ni Maria Clara nang  magpakasal siya kay Linares at kasawian naman ang idinulot ng mga mamamayan ng San Diego dahil sila ang bumato at bumatikos kay Ibarra na dapat sila ang umalalay at sumuporta sa kanya. Bagamat si Maria Clara ang hindi makapangyarihan sa tatlo dahil sa mga makapangyarihang taong nakapalibot sa kanya naiimluwesyahan siya nito .(Padre Damaso at Kapitan Tiyago)   
    Nakakatuwang isipin tama ang aking pananaw na biktima talaga ng pagkakataon si Crisostomo Ibarra. Na naipaliwanag ko noong nakaraang linggo.
   Isa sa kaganapan sa Noli Me Tangere na nagyayari parin hanggang ngayon ay ang pagtingin sa mga kamalian ni Crisostomo Ibarra at hindi napapansin ang mga kabutihang kanyang ginagawa na maihahalintulad sa kalagayan ng ating Pangulo ngayon, lagi siya ang mali at ang may kasalanan  sa mga nagyayari sa ating bansa.
    Base sa isinagawang Mock Trial . Para sa akin si Elias ang dapat mapawalang sala dahil nabigyan niya ng malinaw na paliwanag ang bawat katananungan na ibinabato sa kanya