Miyerkules, Pebrero 25, 2015

Ikaanim na linggo para sa Ikaapat na Markahan

     Para sa linggong ito tinalakay namin ang pagiging isang mangingibig, anak ni Ibarra at kung ano ang kanyang mga hangarin sa buhay.
   
   Maihahalintulad   ang  pag-iibibigan  nila Criostomo Ibarra at  Maria Clara sa pag-iibigan nila Romeo and Juliet. Na parehong sinubok ang kanilang relasyon, may mga humadlang at tumutol. Ang akala nating mapupunta  sa “happy ending” ay mauuwi din sa kasawian. Hindi rin sila nagkatuluyan sa huli ngunit ang pagkakaiba, parehong namatay sila Romeo and Juliet samantalang si Maria Clara lang ang namatay at buhay pa si Ibarra. Sa kanilang pag-iibigan naipakita ang  wagas na pagmamahal na hanggang sa huli pagibig parin ang mananatili.
     
    Naging isang mabuting anak si Crisostomo Ibarra, nag-aral siya ng mabuti sa Europa , ngunit sinisi niya ang kanyang sarili dahil wala siyang nagawa nang mamatay  ang kanyang ama. Kaya ganun na lamang ang kanyang pagnanais na malaman kung paano at bakit namatay ang kanyang ama. At handa siyang makipaglaban alang-ala sa kanyang ama.
    
    Sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra sa Pilipinas , hangarin niyang malaman ang tungkol sa kanyang ama,magpatayo ng paaralan at magpakasal kay Maria Clara. Ngunit ang mga ito ay sadyang hindi naisakatuparan. Tangng kaganapan lang sa kanyang ama ang kanya nalaman.
   
    Iniwan ng aming guro ang tanong na “ mangingibig at biktima nga ba ng pagkakataon si Crsostomo Ibarra?”  para sa akin,mangingibig si Crisostomop Ibarra kay Maria Clara dahil naging tapat siya at hindi naghanap ng ibang mamahalin  habang namamalagi siya sa Europa. Maging sa bayan ng San Diego naipakita niya ang kanyang pagmamahal. Sa aking palagay naging biktima ng pagkakataon si Criostomomo Ibarra, dahil hinusgahan siya base  sa kanyang ama. Dahil galit si  Padre Damaso  sa kanyang ama nadamay rin siya sa galit nito. Siguro kung hindi siya anak ni Don Rafael marahil hini niya mararanasan ang  panglalait at kasawian sa kanyang buhay at marahil walang tututol sa pagmamahalan nila ni Maria Clara.
  
    Naging malupit  kay Ibarra ang bayang kanyang minahal. Kung ako ang nasa kalagayan niya lubos na kalungkutan ang aking mararamdaman dahil sa kabila ng aking paghahangad ng kabutihan at kaunlaran para sa aking bayan ngunit iiwan din pala nila ako sa huli. Ang akalang kong pwedeng kong maging sandalan ay sila pang unang mangbabatikos sa akin.




Huwebes, Pebrero 19, 2015

Ikalimang linggo para sa Ikaapat na markahan

I
      Banghay ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari: simula,tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at wakas. Ayon sa aming guro, sa kabanat 7 talagang masasabi na nagumpisa ang Noli Me Tangere. Marahil sa kabanatang ito makikita na ang Nobela ay umiikot kila Crisostomo Ibarra at Maria Clara, habang ang kasukdulan naman ay ang kabanata 34 ang Pananghalian. Dito naganap ang hindi inaasahang pangyayari kung saan naubos na ang pasensya ni Ibarra kaya naman tinangka niyang saksakin si Padre Damaso na napigilan naman ni Maria Clara. Sa pamamagitan ng mga kabanatang ito mahihinuha na kaagad ang buong istorya ng nobalang Noli Me Tangere.

     
      Bagamat nahirapan kami sa nagging takdang aralin naming sa buong linggong ito, napagtanto ko na ang lahat ng kabanat na may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra ay mahalaga

Linggo, Pebrero 8, 2015

Ikaapat na Linggo para sa Ikaapat na Markahan

     Ayon sa  aming  guro sa  Filipino,  siya  ay  nasiyahan  sa  isinagawa  naming  presentasyon  sa  Parade  of  Characters,  kaya  naman  napuri  ang  ilan  sa  aming  kamag-aral dahil nagawa nilang  iakto  ng  maayos  ang  mga  karakter ,tulad  na lamang  ni  Eddann  Rey Panelo  bilang  Crisostomo  Ibarra  na ayon  sa aming guro hindi  siya  nabulol  sa pagsasalita,  sapagkat isa  sa katangian  ni  Ibarra  ay  magaling   magsalita sa  harap  ng mga  tao. Napuri rin si Shane  Cebu  bilang  Sisa  na talaga namang nakakaantig ang pagkakaarte at maging  sila Clarice  Ostia, Ellane  Jane  Soltes ,Jennica  Legados,  at  Wendy  Shayne  Cebu bilang  mga Donya Vitorina  at Donya Consolacion  at hindi  rin nagpahuli si  Marlon  Aclon bilang  Basilio  at  Crispin na  labis  na  ikinatuwa  ng  bawat  isa. Dito mas  nakilala namin ang  mga katangian  ng  bawat  karakter  pagdating  sa  kanilang  kilos ,pananalita, paguugali at  maging  ang  kanilang  pisikal  na  anyo.
       
    Sa muli naming pagtalakay  ng mga tauhan   sa Noli Me  Tangere nalaman namin  ang tunay  na   kanilang sinisimbolo tulad  ni  Sisa : larawan  siya  ng  kawalan  ng  katarungan  sa bansa at  kung  paano ito inabuso ng mga Espanyol  na nangangahulugang  sinsimbolo niya  ang Inang  Bayan.
     
      Maging  sa  Gawain na  aming  ginawa, pumapatungkol parin  ito  sa  mga tauhan ng Noli  Me  Tangere  na kung  saan inihambing  namin ang aming kaibigan sa  isa  sa tauhan  ng nasabing nobela sa pamamagitan ng  pagsulat ng isang  liham.
      
      Matapos talakayin  ng  Pangkat 1  ang  unang  sampung  kabanata,  nagkaroon kami ng kaalaman  kung anong ugali meron si Crisostomo  Ibarra at  kung paano  namatay ang kanyang  ama.
  


Linggo, Pebrero 1, 2015

Ikatlong linggo para sa Ikaapat na Markahan

    Sa kadahilanang ang aming Guro ay nasa Batangas kasama ang ilan naming kamag-aral sa RSPC.
    Pumalit si Ginoong Mixto bilang aming Guro sa loob ng dalawang araw. Tinalakay niya ang mga “Tauhang nilikha ni Dr .Jose Rizal sa Noli Me Tangre na nabuo sa pamamagitan ng mga taong nakapalibot sa kanya.Batay ito sa mga totoong tao kung gayon itoy nagiging makakatotohan at ang bawat isa ay may sinasagisag o sinisimolo.
   
  Nakilala namin ang ibat-ibang tauhan sa Noli Me Tangere batay sa kanilang katangian. Nagkaroon din kami ng kaalaman patungkol sa mga linya na kanilang nasambit  sa loob ng nobela.
  
    Matapos ang dalawang araw. Bumalik na ang  aming Guro na siyang nagbigay ng kaalaman tungkol sa mga kaganapan  sa Noli Me Tangere at maging sa Jose Rizal na kanyang  ipinanuod.
  
    Sinuri namin ang mga tauhan kung sino ang kanilang kinakatawan sa loob ng nobela,tulad ni Crisostomo  Ibarra  na  kumakatawan  kay  Jose Rizal, Maria  Clara  kay Leonor  na  naging kasintahan  ni  Jose  Rizal,Pilosopong  Tasyo  kay  Paciano  na  magaling  magpayo, Padre  Damaso  kay  Padre  Antonio  Piernavieja  kinapopootang  pari, Kapitan  Tiyago  kay Kapitan Hilario  Sunco  naging  sunod-sunuran sa  mga  Kastila,Donya  Consulacion at  Donya  Victorina  kay Donya  Agustina Medel  de  Coca  na  parehong  tinatakwil  ang  pagiging  Pilipino,  Basilio  at  Crispi  sa  magapatid  na Crrisostomo  na  parehong  nakaranas  ng  pagdurusa  sa buhay  at mga  Prayle  sa  mga Prasiskano  na  naging malupit sa  mga  Pilipino.
    
    Inatasan kami ng  aming Guro na  basahin  namin ang  mga  kabanata  na  pumapatungkol  kay  Crisostomo  Ibarra  bilang  pangunahing  tauhan.