Martes, Oktubre 21, 2014

Pangatnig

       Ang PANGATNIG ay ang mga kataga o lipon ng mga  salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.

Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :

1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.
(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

Halimbawa:
Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
Kumanta ako’t sumayaw.
Pupunta ka ba o Maiiwan ka nalang?

(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa:
Matalino si Villar subalit maraming isyung naglalabasan kaugnay sa kanya.
Mabait siya pero istrikto.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.
(kung, kapag, pag)

Halimbawa:
Pupunta ako kung pupunta ka.
Kapag kumain ka ng madami,tataba ka ng husto.

(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa:
Uulan ngayon sapagkat may bagyo.
Dahil sa pagiging tamad niya, siya ay bumagsak.

(kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na panlinaw

Halimbawa:
Sana makapasa ako sa pagsusulit,ngayong araw.
-            

1 komento: