Mahigit sa isang daan ang Guro sa Mambugan National Highschool,pero may namumukod tanging Guro na naging paborito ko, ikaw sino ang paborito mong Guro?
Ma. Luisa Guitterez ang pangalan ng aking paboritong Guro, siya ay nagtuturo sa ikapitong baitang sa asignaturang T.L.E., madalas siyang makikita sa T.L.E. Room, Sa likod ng stage.
May isa akong kaklase na nagtanong sa akin ng″bakit si Ma`am Guitterez ang naging paborito mong Guro″ ,eh diba bagsak ka sa asignatura niya kaya hindi ka nakaakyat sa stage nung recognition?″ nang narinig ko ito, ako`y napaisip..... bakit nga ba? pero sabi ni Bettina sa Korean Movie na Pretty Man ″Hindi mo kailangan ng dahilan para mahalin o hangaan ang isang tao″ pero mas maganda na alam mo kung bakit mo siya hinahangaan at bakit patuloy mo siyang hinahangaan, una na diyan dahil si Ma`am Guitterez ay mabait, pangalawa siya ay mapagbiro at palatawa, nung ako`y nasa ikapitong baitang, sa tuwing siya`y nagtuturo, puro kami tawa lang ng tawa dahil sa kanyang mga simpleng biret pero sobrang nakakatawa, pangatlo siya`y masarap kausap at marunong sumabay sa biro, sa tuwing kami ay nagkikita, puro biruan lang kami at feeling ko kami ay magkabarkada lang pati nga ang mga kaklase ko natatawa sa biruan namin, pang-apat sa tuwing nakikita ko siya ako`y natutuwa at napapangiti, masaya din akong bumabati sa kanya ng Hi Ma`am!, panglima, kinakamusta niya ako o pinapansin sa tuwing kami ay nagkakasalubong at pang-anim, at ang pinakamahalaga sa lahat dahil mahal ko siya bilng isang Guro, kahit minsan lang kami magkita, pinapangako ko na na hinding hindi ko siya makakalimutan at lagi kong iisipin na may isang guro na naging paborito ko, hindi man siya ang hirangin na ″Well Loved teacher″, para sa akin siya ang aking pinaka iisang paboritong Guro.
Naranasan mo na ba ang ganito? mayroon ka bang Guro na paborito mo?
,kung meron isipin mo kung bakit siya at dun mo mas maiintindihan kung bakit siya ang naging paborito mong Guro at mas lalo kang mapapamahal sa kanya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento