Martes, Oktubre 21, 2014

Modal

 -    Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan, posibilidad, kakayahan, pahintulot at obligasyon. Mga halimabawa nito ang: maari, puwede, gusto, ibig, nais, dapat, kailangan at hangad. Ang anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto.

Dalawang ang Gamit Nito
1.        Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang totoong pandiwa.
Hal.  Gusto ko ang damit mo.
                           Hangad ko ang iyong tahumpay.
Tandaan: Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga modal na gusto, hangad at kailangan ang nagpapahiwatig ng pandiwa.
2.       Bilang panuring o pantulong sa pandiwa na may anyong pawatas.
Hal. Gusto niyang makaalis sa hukay.
        Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.
Mga Uri ng Modal
        1.   Nagsasaad ng kagustuhan (pagnanasa, paghahangad, pagkagusto ng higit kaysa iba)
a. “Gusto kong maakyat ang bunganga ng hukay,” wika ng tigre.
b. “Ibig mong maialis kita diyan sa malalim na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
        2. Nagsasaad ng kakayahan o posibilidad
      a. Puwede silang dumating mamaya.
      b. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.
3. Nagsasaad ng obligasyon (sapilitang pagtupad, hinihingin mangyari)
      a. Dapat sundin ang Saligang-Batas.
      b. Kailangan mag-aral kang mabuti.    


      Ang modal man ay hindi isang tunay na pandiwa, ito nama’y nagbibigay turing sa mga salitang ang kahulugan ay tulad ng sa pandiwa. Siguro nga ay wala itong aspekto na nagpapahayag kung kailan ito naganap, ngunit tulad ng isang pandiwa, ito ri’y nakatutulong sa atin upang ating maipahayag ang nais nating sabihin. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento