Sabado, Nobyembre 22, 2014

PAGBABALIK ARAL

   

                Sa muli naming pagtalakay sa Uri ng Paghahambing, ako ay may
                                        natutunan na mga salita tulad ng:
                        *Gangga
                                  Halimbawa: Gangga butil ang binigay niyang pagkain
                         
                         *At paggamit ng PAN,PAM AT PANG
                                    Halimbawa: PAMbahay- tumutukoy sa kasuotan sa bahay.
                                                        :PANGbahay- tumutukoy sa mga gamit na makikita sa bahay.
                Matapos naming gawin ang aming Takdang Aralin,natutunan ko na pagdating sa paghahambing hindi kinakailangan na paulit ulit ang paggamit ng mga pamagat ng pelikula tulad ng ginawa ni Jessa at  hindi lang  dapat nakapokus sa pelikula kundi pati narin sa mga karakter na gumanap tulad ng ginawa ni Sheena bukod pa doon sa paggawa namin ng Gawain 7, natutunan ko din na hindi lang dapat ginagamit sa unahan ang mga salitang naghahambing, maari rin itong gamitin sa bandang gitna.

                  Habang sinasagutan namin ang mga tanong na nakapaskil sa pisara, napagtanto ko na may mga tao talagang gagawin ang lahat makuha lang ang gusto o ang kanyang minamahal, natutunan ko naman na hindi dapat basta –basta pumapasok sa isang relasyon at para magkaroon ng maganda at matibay na relasyon kinakaialngan ng tiwala at pagiging tapat sa isat-isa , sa Istoryang Rama at Sita naman naipakita nito ang kultura at kaugalian na mayroon sa India( ang buhay nila ay nakabatay sa kanilang mga Epiko.)

                 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento