Sabado, Nobyembre 22, 2014

PAGBABALIK ARAL

   

                Sa muli naming pagtalakay sa Uri ng Paghahambing, ako ay may
                                        natutunan na mga salita tulad ng:
                        *Gangga
                                  Halimbawa: Gangga butil ang binigay niyang pagkain
                         
                         *At paggamit ng PAN,PAM AT PANG
                                    Halimbawa: PAMbahay- tumutukoy sa kasuotan sa bahay.
                                                        :PANGbahay- tumutukoy sa mga gamit na makikita sa bahay.
                Matapos naming gawin ang aming Takdang Aralin,natutunan ko na pagdating sa paghahambing hindi kinakailangan na paulit ulit ang paggamit ng mga pamagat ng pelikula tulad ng ginawa ni Jessa at  hindi lang  dapat nakapokus sa pelikula kundi pati narin sa mga karakter na gumanap tulad ng ginawa ni Sheena bukod pa doon sa paggawa namin ng Gawain 7, natutunan ko din na hindi lang dapat ginagamit sa unahan ang mga salitang naghahambing, maari rin itong gamitin sa bandang gitna.

                  Habang sinasagutan namin ang mga tanong na nakapaskil sa pisara, napagtanto ko na may mga tao talagang gagawin ang lahat makuha lang ang gusto o ang kanyang minamahal, natutunan ko naman na hindi dapat basta –basta pumapasok sa isang relasyon at para magkaroon ng maganda at matibay na relasyon kinakaialngan ng tiwala at pagiging tapat sa isat-isa , sa Istoryang Rama at Sita naman naipakita nito ang kultura at kaugalian na mayroon sa India( ang buhay nila ay nakabatay sa kanilang mga Epiko.)

                 

Huwebes, Nobyembre 13, 2014

URI NG PAGHAHAMBING

   


  -Ito ang pinag-aralan namin para sa linggong ito
  -Ito ay tumutukoy sa paghahambing  ng dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao,bagay,ideya,pangyayari atbp.

DALAWANG URI
     
   A. Paghahambing ng Magkatulad
           -Patas na katangian
         - Ginagamitan ng Panlaping: KA,MAGKA,GA,SING,KASING,MAGSING,MAGKASING,
             at mga salitang PARIS,TULAD,HAWIG\KAHAWIG,MISTULA,MUKHA\KAMUKHA.

                  Hal: Kahawig ni Lara si Mara
   
   B. Paghahambing na Di-magkatulad
             -Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakairt,pagtanggi, o pagsalungat
       
       Mga uri:
           1.Hambingang Pasahol
             - paghahambing negatibo
              -LALO,DI-GAANO,DI-GASINO, AT DI-TOTOO
   
                 Hal: Lalo siyang tumangkad ng uminom siya ng vitamin kaysa sa nung
                   hindi pa siya umiinom.
   
          2. Hambingang Palamang 
               -Positibo ang paraan ng paghahambing
              -LALO,HIGIT,MAS,KAYSA,KAY,LABIS,DI-HAMAK
               
                 Hal: Di-hamak na matangkad si Lea kaysa kay Nico
     
         3. Modernisasyon\ katamtaman
                -inuulit ang ma
               -medyo
               -kahan




Nagkaroon na Pangkatang Gawain na kung saan pinaghambing namin ang napili naming dalawang bansa na kabilang sa Timog Kanlurang Asya.

Nagsagawa din kami ng Pagsasanay 2 at 3, pinaghambing namin ang Dalawng pangulo na sina Corazon Aquino at Gloria Arroyo at gumawa kami ng sarili naming pangungusap gamit ang mg salitang: di-gaano,magkasing,sing,lalo,at mas.

Sabado, Nobyembre 8, 2014

Mga tinalakay o pinag-aralan mula Martes hanggang Biyernes

  Martes Nov.4,2014


         Noong nakaraang Martes, pinag-aralan namin ang mga ibat-ibang Bansa na nabibilang sa Timog Kanlurang Asya.
     Iniisa-isa naming ang mga ito:

        * Israel: Ang mga tao ditto ya MakaDiyos.
        * Saudi Arabia: Ang mga tao dito ay hindi  
                Naliligo kaya mababaho sila.
        *India: Dahil sa kanilang mga pinanniniwalaan na hindi pwedeng pumatay
                 ng kahit ano, hindi nila pinapatay ang mga ipis,daga,unggoy atbp.,
                 kaya tang kapiligiran ditto ay may amoy na hindi kaaya-aya


 Miyerkules Nov.5,2014


         Noong nakaraang Miyerkules, sa Computer Laboratory naming tinalakay Ang mga Elemento at mga Hakbang sa paggawa ng TV/ Movie Trailer.

          Sa pag-aaral namin nito ,Akoy lubos na nasisiyahan dahil alam kong madami akong matututunan, at magkakaroon pa ako ng magandang alaala sa paggawa nito.


  Huwebes Nov.6,2014


        Noong nakaraang Huwebes, tinalakay naming ang istoryang “Rama at Sita”, na siya namang binasa ni Christian Hill Arlante sa unahan
.
     Nagbigay sa amin si Ginang Mixto ng isang Takdang Aralin na kailangan naming ibigay ang mga katangian ng bawat karakter sa Rama at Sita na sina: Rama, Sita, Ravana, Lakshamanan at Surpanaka at kailangan naming ilista ang mga kababalaghan at kabayanihan na makikita sa Rama at Sita.
       
  Biyernes Nov.7,2014


        Para sa araw na ito si Bb.Maryjoy Basbas ang nagturo sa amin ,inumpisahan niya ang pagkwewento ng istoryang “Rama at Sita” na sinundan ng top1 na si Camille Vivar pataas at tinapos ni Jester Manuba top13.


       Sinagutan namin ang mga ilang mga tanong patungkol sa Rama at Sita, Sa pagsagot ko sa mga tanong na ito,  mas nakilala ko ang kultura ng bansang India.