Martes, Disyembre 30, 2014
Dalit at Oda
Ang Dalit ay tulang awit na may apat na taludtod bawat saknong,may isang tugmaan at may walong pantig sa bawat taludtod .
Ito ay pumupuri at nagtatangi sa Diyos at sa Birhen.
Halimbawa :Ang dalit kay Maria
Ang Oda ay isang ng tulang liriko na may ng tono na pumupuri at pumaparangal sa dakilang gawain o tao.
Halimbawa:Kung tuyo na ang Luha mo,Aking Bayan
Linggo, Disyembre 7, 2014
Elehiya
-ay
isang tulang nagpapahayag ng damdamin o paggunita sa isang nilalang na
sumakabilang-buhay na. .
- isang tulang liriko na naglalarawan ng
pagbubulay-bulay o guni-guni hinggil sa kamatayan.
-Natutunan ko na sa pagbasa ng Elehiya
,kinakailangan na tama dapat ang tono para bumagay sa emosyon na ibinibigay nito..
Halimbawa:
ElehiyasaKamatayanngAkingKapatid
Bhutan, September 3, 2010
Isinalinsa Filipino niTeresita F. Laxima
Hindi pa panahon!
Sagulangnadalawampu'tisa, napunong-punongbuhay.
Malungkotniyangpaglalakbay, ngayo'yhindinamatanaw.
Panganaynaanak, taglayanghindinamabilangnapangarap.
Sagitnang di natupadnapangarap at di naipadamangpag-ibig.
Nataposnaangburol.
Sagitnangmakulimlimnapanahon.
Paniwalaa'tdili, maypagkabagabag at panghihinayang.
Anoang tanging naiwan
Nakakuwadradongmgalarawang-guhit, poster at kinunanglarawan.
Aklat, talaarawan at mgadamit.
Walanangdapat pang ayusin,
Isangulilangteheras.
Nataposna, sapagitanngmgaluha, mapaitnakapalaran.
Angmaamongmukha, angmalamyosnatinig.
Angmatinisnahalakhak,
Mgaligayang di-malilimot.
Patuloyangpagdarasal
Kasamaangpagdadalamhati, pagluha at pagsisisi
Upangmagkaroonngkapayapaanangkanyangwalanghanggangpagpapahinga
Mulasa di mabilangnamgataonngpaghihirap
Sa pagtuklasngkarunungannagingmailap,
Sa paghanapngmagbibigay-katuparansapinakamimithingedukasyon,
Luha'ynatuyo, lakas ay pumanaw.
Anoangkinahantungan
Anghiramnabuhay, tuluyangnawala!
Pema, angimortalnapangalan.
Mulasanilisangnangungulilangtahanan
Walangnaiwan, niimahe, nianino, nikatawan!
Balana'ynagluksa at nagsisiyukod,
Magingpananim ay kumakawayngpamamaalam, ang tag-arawtahimiknatumatangis.
Ganoon din anglahatng nag-alayngdakilangpagmamahal,
Angisanganakngakingina, kailanma'yhindinamasisilayan pa
Angkatuparanngminimithingpangarap!
Parabula
-Nagsimulasa salitang Griyego na
“Parabole”
na nagsasaadng dalawang bagay na maaring tao,hayop o pangyayari para paghambingin
at mailarawan o analohiya.
-Gumagamitng Matatalinghagang salita
-Nagbibigay ng aral sa mga mambabasa
-Nakasasad o makikita sa Bibliya.
Halimbawa:
Parabula ng Banga
"Huwag
mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa," ang tagubilin ng
Inang banga sa kanyang anak. "Tandaan mo ito sa buong buhay mo."
"Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?" ang tanong ng
anak na banga na may pagtataka.
"Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na
makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga." Kaya't sa buong panahon
ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan na siya ay isang banga na
gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya ang
eleganteng bangang porselana, sa isang makintab na bangang metal, at maging ang
iba pang babasaging banga.Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi
niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang
banga. Marahil, gawa sila mula sa iba't ibang materyal at iba-iba rin ang
kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate, at may dilaw. Sila ay
may kani-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahat sila ay
ginawa upang maging sisidlan o dekarasyon.
Isang
araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo
sa lawa. Noong una, siya'y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kaniya ang
paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na
porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang disenyo at matitingkad ang
kulay ng pintura. May palauting gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang
kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kanyang tindig.
"Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng
banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama," bulong niya sa sarili. At
sumunod siya sa porselanang banga at sinabing, "Oo, maliligo ako sa lawa
kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan."
"Tayo na," sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa. Sabay
silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng
kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon. Nang sila'y lumundag sa
tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga ay tinangay papalapit sa
kanya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang
malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na
tunog.
Ang
porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang
bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang
siya'y nabibitak at unti-unting lumulubog sa ilalim ng tubig, naalala ng
bangang lupa ang kaniyang ina.
Talinghaga
-Pangungusap,parirala o isang sanaysay na may malalim na kahulugan o
hind tuwirang katuturan na kailangang pagisipa n gmabuti upang maunawaan.
-
Idyoma, Tayutay at Parabula ang mga halimbawa nito.
-Natutunan ko na dapat sa Parabula ay hindi
literal ang pagkakahulugan kund ikinakailangan na malalim na pangunawa,bukod pa
dito kinakailangan din na suriin angsinisimbulo ng bawat karakter upang mas
maunawaan an gmalalim na kahulugan ng Parabula.
KaligirangPangkasaysayan
-pagaralan ang mga konseptong etikal sa mga tekstong espiritwal
-Makikita lamang sa Bibliya.
Katangian:
-Naglalarawan ng isang unibersal na katotohanan;ito ay payak na salaysay.
-May tagpuan.
-Ipinapakita ang resulta
-
May malalim na kahulugan
-Gumagamit ng mga wikang Metaporikal
-Nakapaloob an gmahihirap at komplikadong kaisipan.
Metapora
-Isang tayuaty kung saan ang isang salita o parirala ay
binibigyan ng kahulugan na iba sa pangkaraniwan o literal na kahulugan.
-Ito ay isang direkta o pahiwatig na paghahambing n gdalawang bagay.
Halimbawa: An mga taong traydor ay ahas.
:Makapa lang bulsa ni Karen.
Semantiks
-ay ang pagaaral n gmga kahulugan ng mga salita at
parirala.
-Tumutukoy sa pagbibigay ng ibat-ibang kahulugan ng mga salita
at parirala.
Sabado, Nobyembre 22, 2014
PAGBABALIK ARAL
Sa
muli naming pagtalakay sa Uri ng Paghahambing, ako ay may
natutunan na mga
salita tulad ng:
*Gangga
Halimbawa: Gangga butil
ang binigay niyang pagkain
*At paggamit ng PAN,PAM AT PANG
Halimbawa: PAMbahay-
tumutukoy sa kasuotan sa bahay.
:PANGbahay- tumutukoy sa mga gamit na makikita sa bahay.
Matapos naming gawin ang aming Takdang
Aralin,natutunan ko na pagdating sa paghahambing hindi kinakailangan na paulit
ulit ang paggamit ng mga pamagat ng pelikula tulad ng ginawa ni Jessa at hindi lang dapat nakapokus sa pelikula kundi pati narin
sa mga karakter na gumanap tulad ng ginawa ni Sheena bukod pa doon sa paggawa
namin ng Gawain 7, natutunan ko din na hindi lang dapat ginagamit sa unahan ang
mga salitang naghahambing, maari rin itong gamitin sa bandang gitna.
Habang sinasagutan namin ang
mga tanong na nakapaskil sa pisara, napagtanto ko na may mga tao talagang gagawin
ang lahat makuha lang ang gusto o ang kanyang minamahal, natutunan ko naman na
hindi dapat basta –basta pumapasok sa isang relasyon at para magkaroon ng
maganda at matibay na relasyon kinakaialngan ng tiwala at pagiging tapat sa isat-isa
, sa Istoryang Rama at Sita naman naipakita nito ang kultura at kaugalian na
mayroon sa India( ang buhay nila ay nakabatay sa kanilang mga Epiko.)
Huwebes, Nobyembre 13, 2014
URI NG PAGHAHAMBING
-Ito ang pinag-aralan namin para sa linggong ito
-Ito ay tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao,bagay,ideya,pangyayari atbp.
DALAWANG URI
A. Paghahambing ng Magkatulad
-Patas na katangian
- Ginagamitan ng Panlaping: KA,MAGKA,GA,SING,KASING,MAGSING,MAGKASING,
at mga salitang PARIS,TULAD,HAWIG\KAHAWIG,MISTULA,MUKHA\KAMUKHA.
Hal: Kahawig ni Lara si Mara
B. Paghahambing na Di-magkatulad
-Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakairt,pagtanggi, o pagsalungat
Mga uri:
1.Hambingang Pasahol
- paghahambing negatibo
-LALO,DI-GAANO,DI-GASINO, AT DI-TOTOO
Hal: Lalo siyang tumangkad ng uminom siya ng vitamin kaysa sa nung
hindi pa siya umiinom.
2. Hambingang Palamang
-Positibo ang paraan ng paghahambing
-LALO,HIGIT,MAS,KAYSA,KAY,LABIS,DI-HAMAK
Hal: Di-hamak na matangkad si Lea kaysa kay Nico
3. Modernisasyon\ katamtaman
-inuulit ang ma
-medyo
-kahan
Nagkaroon na Pangkatang Gawain na kung saan pinaghambing namin ang napili naming dalawang bansa na kabilang sa Timog Kanlurang Asya.
Nagsagawa din kami ng Pagsasanay 2 at 3, pinaghambing namin ang Dalawng pangulo na sina Corazon Aquino at Gloria Arroyo at gumawa kami ng sarili naming pangungusap gamit ang mg salitang: di-gaano,magkasing,sing,lalo,at mas.
Sabado, Nobyembre 8, 2014
Mga tinalakay o pinag-aralan mula Martes hanggang Biyernes
Martes Nov.4,2014
Noong nakaraang Martes, pinag-aralan namin ang mga ibat-ibang Bansa na
nabibilang sa Timog Kanlurang Asya.
Iniisa-isa naming ang mga ito:
*
Israel: Ang mga tao ditto ya MakaDiyos.
*
Saudi Arabia: Ang mga tao dito ay hindi
Naliligo kaya mababaho sila.
*India: Dahil sa kanilang mga pinanniniwalaan na hindi pwedeng pumatay
ng kahit ano, hindi nila
pinapatay ang mga ipis,daga,unggoy atbp.,
kaya tang kapiligiran ditto ay may amoy na hindi kaaya-aya
Miyerkules Nov.5,2014
Noong
nakaraang Miyerkules, sa Computer Laboratory naming tinalakay Ang mga Elemento
at mga Hakbang sa paggawa ng TV/ Movie Trailer.
Sa pag-aaral namin nito ,Akoy lubos na nasisiyahan dahil alam kong
madami akong matututunan, at magkakaroon pa ako ng magandang alaala sa paggawa nito.
Huwebes Nov.6,2014
Noong
nakaraang Huwebes, tinalakay naming ang istoryang “Rama at Sita”, na siya namang
binasa ni Christian Hill Arlante sa unahan
.
Nagbigay sa
amin si Ginang Mixto ng isang Takdang Aralin na kailangan naming ibigay ang mga katangian ng bawat karakter sa Rama at Sita na sina: Rama, Sita, Ravana, Lakshamanan at Surpanaka
at kailangan naming ilista ang mga kababalaghan at kabayanihan na makikita sa
Rama at Sita.
Biyernes Nov.7,2014
Para sa araw na ito si Bb.Maryjoy Basbas ang
nagturo sa amin ,inumpisahan niya ang pagkwewento ng istoryang “Rama at Sita”
na sinundan ng top1 na si Camille Vivar pataas at tinapos ni Jester Manuba top13.
Sinagutan
namin ang mga ilang mga tanong patungkol sa Rama at Sita, Sa pagsagot ko sa mga
tanong na ito, mas nakilala ko ang
kultura ng bansang India.
Martes, Oktubre 21, 2014
Sanaysay
Ang SANAYSAY ay isang salitang marami ang kahulugan. Ayon nga kay Alejandro G. Abadilla, ito ay “isang nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay”. Ang iba nama’y nagsasabi na na ito’y “isang tangka sa paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa buhay at iba’t-ibang sangay nito”. Ngunit kahit marami pa ang pakahulugan dito, isa lang ang malinaw sa ating lahat. Ito ay isang bahagi ng Panitikang Pilipino na nakatutulong sa atin na maipahag ang ating opinyon. Isang simpleng sulatin na pwedeng gumising sa mga tao tungkol sa isang particular na isyu sa atin ngayon.
Halimbawa ng Sanaysay:
Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat. Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon. At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan. Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Editoryal
Ang Editoryal o pangulong-tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa.
· Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.
Mga Layunin ng Editoryal
1. Magpabatid
2. Magpakahulugan
3. Magbigay-puna
4. Magbigay-puri
5. Magpahalaga sa tanging araw
6. Manlibang
Mga Uri ng Editoryal
1. Nagpapakahulugan. Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan o kahulugan ng isang mahalagang pangyayari.
2. Nagpapabatid. Ito’y nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan.
3. Namumuna at nagpapabago. Pumupuna ito sa isang kalagayan ng isang tao, o ng isang paraan ng pag-iisip sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at kung mangyayari’y makapagbunsod ng pagbabago.
4. Nagpaparangal at nagbibigay-puri. Nagbibigay ito ng papuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi-tanging Gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang kabutihan.
5. Nagpapahalaga sa natatanging araw. Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng mga tanging araw o okasyon.
6. Nanlilibang. Hindi ito karaniwang sinusulat. Ang paraang ginagamit ditto ay di-pormal, Masaya, kung minsan ay sentimental, at karaniwang maikli lamang.
Pagbibigay Kapangyarihan sa
Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng
Estadistikang Kasarian “
“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan. Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay- proteksiyon sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.
- halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada
Melodrama
Ang melodrama ay anyo ng dula na ang layunin ay pagkaawa sa protagonist at pagkamuhi sa antagonista
Ang dula ay nag wawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't ang uring ito'y may malulungkot na sangkap kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida. Ginagamit ang melodrama sa mga musikal na dula. Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.
Komedya
Ang Komedya ay isang dulang patanghal (karaniwang binubuo ng oktosilabiko o dodekasilabikong quatrain), na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang ipagdiwang ang pyesta ng patron
Trahedya
Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan.
Dula
Ang Dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista.
Mga sangkap sa dula
Ang dula ay mayroon ding mga sangkap. Ito ay ang simula, ang gitna, at ang wakas.
- Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
- Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
- Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
Elemento ng Dula
- Iskrip o nakasulat na dula - ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
- Gumaganap o aktor - ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba't ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
- Tanghalan - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
- Tagadirehe o direktor - ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
- Manonood - hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood
Eksena at tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang angtagpo nama'y ang pagpapalit o ang iba't ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
Mga hakbang as pagsulat ng Pabula
Ang mga sumusunod ay mga hakbang na dapat gawin upang makasulat ng magandang pabula.
1. Pumili ng moral o mahalagang kaisipan
Ang layunin ng pabula ay upang maghatid ng aral o mahahalagang kaisipan o mensahe sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga kabataan upang hindi sila maligaw ng landas.
2. Lumikha ng tauhan
Bagamat hayop ang tauhan ng pabula mahalagang ang mga ito ay maging kapani-paniwala o makatotohanan. Ilarawan ang katauhan ayon sa pisikal na anyo, katangian/kahinaan, hilig at mga mithiin.
3. Iaayos ang banghay
Mahalagang maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang mailahad kung paano nagsimula ang suliranin o tunggalian sa pagitan ng mga tauhan at kung paano ito nilutas ng mga tauhan patungo sa wakas.
4. Ilahad ang naging wakas
Ilahad ang naging wakas ng pabula sa paraang hindi bigla. Magbigay ng mga pahiwatig sa magiging wakas ng pabula sa pamamagitan ng paglalahad ng kakalasan ng suliranin at pagkatapos ay ipakita kung paano nabigyang solusyon ang naging suliranin ng mga tauhan.
Aralin 2.3 :)
Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan atpaggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unladng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.
Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.
At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.
Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
(posted by admin sa Free Papers: Free Essay on Women in Taiwan: Now & Fifty Years Ago) http://women-in-taiwan-essay-htm/oct.1,2013
· Nakakatuwang isipin na sa paglipas ng panahon , napakaraming magandang pagbabagong nagaganap sa pagtrato sa mga kababaihan , hindi lang sa bansang taiwan , maging sa ating sariling bansa . Kung noon , hindi sila pinahahalagahan , ngayon nakatatanggap na sila ng pantay na pagtrato at nakakapag trabaho na sila hindi lang sa loob ng bahay kundi sa ibat ibang parte ng komunidad . Naging parte na sila ng ating lipunan at maging ng ating bansa . Kahit hindi pa ganap ang tunay na pantay na karapatan , may mga programa na nagsisilbing boses ng mga kababaihan upang makamit ang Paggalang at Pantay na pagtrato sa bawat isa .
Pandiwang Panahong Panturol
Ginagamit ang Pandiwang Panaganong Paturol upang malaman ang aspekto ng pandiwa. Sabi nga, hindi mo masasabing pandiwa ang isang kilos kung wala itong aspektong nagpapahayag kung kailan ito naganap.Ang lahat ng uri ng pandiwa ay nababanghay para sa aspekto, at ito ay ang :
· Perpektibo- nagsasaad na naganap na ang isang kilos.
Halimbawa:
Kumuha ng pera si Justine sa bangko.
· Imperpektibo- nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nagaganap o ginagawa.
Halimbawa:
Nagsusulat ang mga mag-aaral habang nagtuturo ang guro.
· Kontemplatibo- nagsasaad na ang kilos ay gagawin pa lamang.
Halimbawa:
Mag-eensayo kami ng sayaw pagkatapos ng klase.
· Katatapos lang- nagsasaad na ng kilos ay katatapos lang.
- nabubuo ito sa pagsasama ng panlaping ka+ pag-uulit ng unang panting ng salitang –ugat+salitang –ugat.
Halimbawa:
Kaiinom ko lang ng gamot.
- Mahalaga ang paggamit ng Pandiwang Panaganong Paturol, ito ay dahil sa nalalaman natin kung kailan naganap ang kilos sa isang pangugusap. Hindi man natin napapansin na kung minsa’y nagagamit natin ito, hindi naman natin maitatangi na mahalaga ang papel na ginagampanan nito s Panitikang Pilipino.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)