Bago pa man talakayin ang bagong aralin.Tinalakay muna ni Gng.Mixto
ang pokus na tanong .
Para sa linggong ito ,tinalakay namin ang Kaligirang Pangkasayasayan
ng Noli Me Tangere na kung saan natuklasan naming ang tunay na antas o
kalagayan ng Espanya sa panahong iyon. Akala ng mga Pilipino na napakalakas at
napakamakapangyarihan ng mga Espanyol ngunit
ang katotohanan ay unti-unti na itong bumabagsak; nalugi ang kanilang mga
Galleon Trade,pagkahiwalay ng mga kanugnog na bansa at kawalan nila ng matatag na
pamahalaan.Masasabi ko na kung nalaman ng mga Pilipino ang tunay na kalagayan
ng Esapnyol ng mas maaga siguro hindi mangyayari ang pang-aaping ginawa ng mga Prayle.
Bukod pa dito tinalakay din namin ang mga dahilan sa pagkakasulat
ni Rizal ng Noli Me Tangere: Pagbubukas ng Suiz Canal- mapapabilis ang pagkaalam
o balitang makakalap tungkol sa Europa. Pagsibol ng kaisipang Liberalidad,Equalidad
at Fraternidad, Himagsikan sa Francia. Dahil
sa tingin ni Rizal makakatulong itong
halimbawa sa mga Pilipino naipaglaban din nila ang kanilang kalayan.
Para naman sa aming
pangkatang Gawain,tinalakay ng bawat grupo ang mga kaganapan sa Kabataan ni
Rizal. Tinalakay ng pangkat 4 ang“ Sa aking mg kababata” na nakatuon sa pagmamahal
sa sarilingwika. Dito napagtanto ko na hindi ganon kalubos ang pagmamahal ko sa
aking bansa at dapat mag-umpisa ito sa mga lider ng ating bansa maging ang
Department of Tourism. Tinalakay naman ng aming grupo(pangkat 3) “Ang Gamugamo
at si Jose Rizal” na nagpapakita sa pagsubok ni Rizal sa isang bagay na malaman ang
magiging kalalabasan o kahahantunagan nito,tulad ng kanyang pagtuklas kung ano
ang mayroon sa Espanya. At nanaig din ang pangaral ng kanyangina.Tinalakay ng
pangkat 2 “Ang Tsinelas” sa murang edad ni Rizal, lubos na ang kanyang pagmamahal
sa kanyang kapwa. Iniisip niya lagi ang kapakanan ng iba.Tulad
ng pagsasakripisyo niya sa para sa lahat ng mga Pilipino. Kahit ikawala niya pa
ito ng buhay,maipakita lang ang tunay na pagmamahal niya para sa ating Bayan.
Matapos basahin
ng pangkat 1 Ang Buod ng Noli Me Tangere. Sinuri naming ang pagkakatulad ni Crisostomo
Ibarra sa buhay ni Rizal, inihantulad din namin ang mga kaganapan sa kwento na
nangyari sa Pilipinas. Gayun din ang mga aralin na aming tinalakay.
Panghuli
nagsagawa kami ng isang Debate, patungkol sa tanong na: Dapat ba o di-dapat
ginamit ni Rizal ang kanyang panulat sa kapakanan ng Bayan. Tila nahirapan ang
bawat isa sa pagsagot sa tanong na ito.