Martes, Disyembre 30, 2014

Dalit at Oda


 Ang Dalit ay tulang awit  na may apat na taludtod bawat saknong,may isang tugmaan at may walong pantig sa bawat taludtod .
Ito ay pumupuri at nagtatangi sa Diyos at sa Birhen. 
   Halimbawa :Ang dalit kay Maria

 Ang Oda  ay isang  ng tulang liriko na may ng tono na pumupuri at pumaparangal sa dakilang gawain o tao.
     Halimbawa:Kung tuyo na ang Luha mo,Aking Bayan 

Linggo, Disyembre 7, 2014

Elehiya

   
    -ay isang tulang nagpapahayag ng damdamin o paggunita sa isang nilalang na sumakabilang-buhay na. .   
    - isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni hinggil sa kamatayan.
          
              -Natutunan ko na sa pagbasa ng Elehiya ,kinakailangan na tama dapat ang tono para bumagay sa emosyon na ibinibigay nito..



 Halimbawa:

          ElehiyasaKamatayanngAkingKapatid

Bhutan, September 3, 2010
Isinalinsa Filipino niTeresita F. Laxima


Hindi pa panahon!
Sagulangnadalawampu'tisa, napunong-punongbuhay.
Malungkotniyangpaglalakbay, ngayo'yhindinamatanaw.
Panganaynaanak, taglayanghindinamabilangnapangarap.
Sagitnang di natupadnapangarap at di naipadamangpag-ibig.
Nataposnaangburol.
Sagitnangmakulimlimnapanahon.
Paniwalaa'tdili, maypagkabagabag at panghihinayang.

Anoang tanging naiwan
Nakakuwadradongmgalarawang-guhit, poster at kinunanglarawan.
Aklat, talaarawan at mgadamit.
Walanangdapat pang ayusin,
Isangulilangteheras.
Nataposna, sapagitanngmgaluha, mapaitnakapalaran.
Angmaamongmukha, angmalamyosnatinig.
Angmatinisnahalakhak,
Mgaligayang di-malilimot.

Patuloyangpagdarasal
Kasamaangpagdadalamhati, pagluha at pagsisisi
Upangmagkaroonngkapayapaanangkanyangwalanghanggangpagpapahinga
Mulasa di mabilangnamgataonngpaghihirap
Sa pagtuklasngkarunungannagingmailap,
Sa paghanapngmagbibigay-katuparansapinakamimithingedukasyon,
Luha'ynatuyo, lakas ay pumanaw.
Anoangkinahantungan
Anghiramnabuhay, tuluyangnawala!

Pema, angimortalnapangalan.
Mulasanilisangnangungulilangtahanan
Walangnaiwan, niimahe, nianino, nikatawan!
Balana'ynagluksa at nagsisiyukod,
Magingpananim ay kumakawayngpamamaalam, ang tag-arawtahimiknatumatangis.
Ganoon din anglahatng nag-alayngdakilangpagmamahal,
Angisanganakngakingina, kailanma'yhindinamasisilayan pa
Angkatuparanngminimithingpangarap!

Parabula


        -Nagsimulasa salitang Griyego na “Parabole”  na nagsasaadng dalawang bagay na maaring tao,hayop o pangyayari para paghambingin at  mailarawan o analohiya.
        -Gumagamitng Matatalinghagang salita
        -Nagbibigay ng aral sa mga mambabasa

        -Nakasasad o makikita sa Bibliya.

 Halimbawa:

                                          Parabula ng Banga
    
          "Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa," ang tagubilin ng Inang banga sa kanyang anak. "Tandaan mo ito sa buong buhay mo." "Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?" ang tanong ng anak na banga na may pagtataka.
     "Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga." Kaya't sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, sa isang makintab na bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga.Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba't ibang materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate, at may dilaw. Sila ay may kani-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekarasyon.
     Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa. Noong una, siya'y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kaniya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palauting gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kanyang tindig.
     "Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama," bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing, "Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan."
     "Tayo na," sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa. Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon. Nang sila'y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga ay tinangay papalapit sa kanya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.
     Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang siya'y nabibitak at unti-unting lumulubog sa ilalim ng tubig, naalala ng bangang lupa ang kaniyang ina.



Talinghaga
       -Pangungusap,parirala o isang sanaysay na may malalim na kahulugan o hind tuwirang  katuturan na kailangang pagisipa n gmabuti upang maunawaan.
       - Idyoma, Tayutay at Parabula ang mga halimbawa nito.
                 
        -Natutunan ko na dapat sa Parabula ay hindi literal ang pagkakahulugan kund ikinakailangan na malalim na pangunawa,bukod pa dito kinakailangan din na suriin angsinisimbulo ng bawat karakter upang mas maunawaan an gmalalim na kahulugan ng Parabula.

KaligirangPangkasaysayan
     -pagaralan ang mga konseptong etikal sa mga tekstong espiritwal
     -Makikita lamang sa Bibliya.
Katangian:
    -Naglalarawan ng isang unibersal na katotohanan;ito ay payak na salaysay.
     -May tagpuan.
     -Ipinapakita ang resulta
    - May malalim na kahulugan
     -Gumagamit ng mga wikang Metaporikal
    -Nakapaloob an gmahihirap at komplikadong kaisipan.

Metapora
      -Isang tayuaty kung saan ang isang salita o parirala ay binibigyan ng kahulugan na iba sa pangkaraniwan o literal na kahulugan.
       -Ito ay isang direkta o pahiwatig na paghahambing n gdalawang bagay.

Halimbawa: An mga taong traydor ay ahas.
                   :Makapa lang bulsa ni Karen.

Semantiks
      -ay ang pagaaral n gmga kahulugan ng mga salita at parirala.
      -Tumutukoy sa pagbibigay ng ibat-ibang kahulugan ng mga salita at parirala.